Linggo, Marso 25, 2012

trip ng mga mag-aaral

             
    TRIP NG MGA MAG-AARAL




          anu-ano nga ba ang trip ng mga estudyante ? kung iisipin maraming mga kalokohan ang mga estudyante at minsan ikaw mismo ay ginagawa ang ilan dito ooops! aminin may kalokohan karin. syempre minsan hindi talaga natin maiwasan ang ganyang bagay sabi nga ng iba "trip trip lng". pero kasi ang iba hindi na trip hobby na nila ito.


ito ang halimbawa ng mga kalokohan na ginagawa ng mga estudyante:


1. kumakain habang nag klaklase- ano ba magagawa kung nagugutom na ang tao.
2. natutulog sa klase- baka boring ang teacher at baka mahina ang boses pang lalabie.
3. nagcucutting classes- mas masarap daw mag-dota eh
4. palaging late- masarap magpuyat at masarap matulog haha(gawain ko yan)
5. penge papel- gawain ng mga walang papel na pumapasok
(laging ubos ang papel dahil dyan)
6. naiintindihan nyo ba? "yes ma'am"- kahit hindi naiintindihan yes lang ng yes matapos lang agad ang klase.
7. feet off- kung makaakyat ng hagdan wagas parang pasan ang daigdig.
8.15 minutes late- ayan ang gawain ng atat umuwi.
9. umuulan ng malakas- wala ng pasok
10. 150 na project- hihingi sa magulang ng 200(patubo)
11.no vandilism- pero pagtiningnan mo dami nakasulat (marami sa CR nito)
12.bawal magtapon- ok cge tapon lng kung wari walang nabasa.
13. dito po ang entrance- ginawang exit ang entrance ng mga magaling na students.
14.exit only- ok ito naman ang ginawang entrance.
15. silence please- ok sige maingay pa. (marami sa library nito)


ilan lamang yan sa trip ng mga estudyante. kung tutuusin konti palamang ang mga iyan. pero aminin mo gumawa karin ng kalokohan no?. nakakatawang isipin pero ganyan talaga ang ugali ng mga mag-aaral sa panahon ngayon. at ito ang isang bagay na mahirap alisin sa isang estudyante.

1 komento: