Lunes, Marso 26, 2012

Pasaway dito, Pasaway dun.

Mga estudyanteng pasaway, kaibigang epal, at mga prof na mahirap intindihin minsan.. Ano mangyayari kapag nagsama-sama sila?

Pasaway. Tawag sa taong alam ang dapat gawin pero dine-deadma ang tama.
Ang mga estudyante yata ang hindi papatalo sa pagiging pasaway.
Imagine binabaliktad ang dapat.
Ang group project na dapat ay sama-samang ginagawa ng leader at members ay sinasariling gawin ng leader, dahil patamaran ang grupo pag ganitong usapin. Hindi pwedeng deadmahin ni leader dahil nga leader sya, at damay-damay ito sa grade.
Samantalang ang bawat activities, quiz, at exam na dapat ginagawa ng individually ay siya pang ginagawang group work!

Sa pasok na dapat inaagahan ay pinababayaan ang pagiging late, samantalang kapag uwian na ay kinukulit na si prof para mag-pauwi ng maaga.

Sa galaan, pagbababad sa internet, at pagtetext inuubos ang oras.
Samantalang ang homework na dapat ay ginagawa sa bahay ay gagawin sa eskwelahan, 30minutes bago dumating ang teacher.

Mga projects na binibigyan ng mahabang panahon para magawa ay ginagawa sa araw bago ang pasahan.
Pero kasama yata talaga yan sa pagiging estudyante, mas ginugustong gumawa ng rush.

Ang mga professor naman natin ay mahirap intindihin kung minsan...
Katulad dati, habang nagka-klase kami ay nahuli ng aming prof ang kaklase ko na kumakain, at tinanong nang ganito, "Bakit ka kumakain habang nagka-klase? Mamamatay ka ba kung hindi ka kakain?!"
Aba syempre naman ma'am diba. Ikaw kaya ang hindi kumain. Haha.

May ibang prof naman na sobrang strikto, yun bang di ka pedeng ma-late sa subject mong pang-7AM dahil iaabsent ka.

At marami pang iba..
Kung tinamaan at naka-relate ka, ikaw nga ay isa sa mga pasaway. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento