Linggo, Marso 25, 2012

Diskarteng Mag-aaral

Pag ikaw ay isang estudyante, siguradong mararanasan mo ang lahat. Saya, lungkot, kaba, kilig, takot, excitement, stress at marami pa.. Kanya kanyang diskarte lang yan ng pag-handle ng buhay estudyante eh. Halimbawa na lang..

Saya:
May mga estudyanteng umaabuso kapag mabait sila prof.
Naaalala ko pa nung minsan, habang gumagawa kami ng activity sa isang subject, at nasa likod ko ang mga kaibigan ko, at dahil nga mabait si prof e sige kwentuhan sila. Hangang sa maya maya ay napalakas ang kanilang tawanan.. Narinig ni prof at ang sabi, "Lahat ng kaartehan nandito ha!"
Pero wag ka, dahil  ang mukha nya ay ganito ang itsura, :)
O Diba, san ka pa.

Kaba:
Syempre, sino ba naman ang hindi nakaranas ng kaba?
Lalo na kung may exam at hinda ka nakapag-review dahil inuna mong panuorin ang sinusubaybayan mong telenovela at napuyat sa katext mong inu-uto ka lang naman.
Kapag may recitation at hindi ka nakinig dahil sa palagay mo ay nakakaantok magturo ang prof mo.
Kapag may practical test sa PE at hindi mo feel laruin ang sport.
At kapag makikita mong dadaan si crush, Ay! Hinda pala dapat ito kasama. Haha.

Stress:
Kapag nagkasabay-sabay ang mga gawain at hindi mo alam ang uunahin
Kapag nakakuha ka ng mababa sa exam, lalo na sa math, nag effort ka pa man din mag solve. hindi ba nakaka-stress naman talaga yun?

Kilig:
Aba naman, pagdating kay crush, parang telescope ang mata Nasa malayo pa lang e nakikita na. Samantalang kapag kokopya ng notes ay sasabihing hindi matanaw.
Kapag nadaan sa harap. deadma. Kapag nakalagpas na si crush, hala sige, ihambalos sa pader ang katabi mo.
Sa dami ng gawain ng isang estudyante, nako. hindi pedeng mawala ang oras para kiligin.

Papatalo ba naman ang Magto-tropa sa classroom?
Aba'y sa kwentuhan lang. Hindi ka pa nga tapos magkwento may tatawa na. Ganyan talaga mga magkaka-uri, nagkakaintindihan. Parang ganto..
Friend1: Naaalala ko yung dati. Diba si ano! HAHAHAHAHA!
Friend2: Ou nga. HAHAHAHA!
Friend3,4&5; HAHAHAHAAHAHAH!

Yung pagkain ng isa, pagkain ng lahat.
Batok dito. kurot dun.
Tampuhan at kulitan.
Inis dito, tukso dun.


At sobrang dami pa.
Buhay estudyante nga naman..
Mahirap pero enjoy.
Pero nakakatuwa at napakasarap maging isang estudyante
Nasa nagdadala kang yan, kanya-kanyang diskarte para mahanap ang kaligayahan sa kabila ng problema. :)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento