Linggo, Marso 25, 2012

Love Life sa College Life..

anu-ano nga ba ang mga pangunahing problemang nararanasan ng mga estudyante?
exams?projects?thesis? failing grades?at syempre di mawawala ang love life..??

   Nakukulta na ang utak ko kakareview. Ang dami ko pang dapat tapusing projects.
Hell week na naman pala..  ee ano bang bago?? parang every week ay hell week..
lumala lang ngayon dahil mas maraming ginagawang project... exams,projects,thesis,
training  ang  daming dapat unahin, magsisingit ka pa ba ng love life..??? ang hirap magka
 love life pag college..oo masarap sa  pakiramdam ang ma-in love.from  haggard to
blooming ka din.. sobrang saya  talaga at para kang nasa cloud nine pag kasama mo sya..
magaang ang bawat araw na dadaan sa buhay mo.pero pag dumating na kayo sa point
na may kailangang unahin at hindi maintindihan ng isa ay magsisimula na kayong mag-away..
magsasawa ka  naman sa ganung  sitwasyon kaya ayon  makikipag  hiwalay nalang kesa
 patuloy na magkasakitan dahil sa mga salitang binibitawan,...kaya ayan hell week talaga
ang every week mo..

   Masakit sa ulo,sa mata,sa puso at sa tyan pag na broken hearted ka.. msakit sa ulo
kasi kahit anung gawin mo hindi mo sya makalimutan..at matutukso ka pang makipag
balikan.. Masakit sa mata dahil gabi-gabi mong iiyakan yun..magkaka eye bags ka pa
ng  wala  sa  oras..  Masakit  din  sa  puso dahil di mo matanggap na wala na kayo..
Masakit din sa tyan kasi kundi wala kang ganang kumain ay puro kain ang gagawin mo..
mawala lang sya sa isip mo.. kaya ang labas mo nito kundi malnourished ay overweight..
o di ba?? kung papapangitin ka lang pala niyan..nanaisin mo pang bang magka love life??


  Pero gaya ng katotohanang hindi mo matuturuan o makokontrol ang puso mo kaya
hindi mo din maiiwasan..nag mahal ka lang naman sa maling panahon at pagkakataon..
komplikado kasi ang sitwasyon madami pang dapat i-prioritize..nasa stage kasi tayo na
BATA pa tayo pero MATANDA na..    o di ba? ang gulo???





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento