Huwebes, Abril 5, 2012

Ang tamad na mag aaral

   Bakit kaya maraming mag aaral ang  tamad pumasok sa paaaralan?Dahil sa barkada,computer shop, nagrerbelde sa magulang, pera at iba pang dahilan na galing sa estudyante. Kaya maraming tamad na estudyante magulang din ang dahilan ng di nila pagpasok sa paaralan  dahil kakulangan ng atensyon, pagmamahal ,at aruga na hinahanap hanap nila sa kanilang  mga magulang at kakulangan ng pasilidad at kagamitan ng  paaralan  .

Ang mag dahilan kung bakit tamad ang estudyante pumasok sa klaseay ang mga sumusunod :

    1.Hindi interesado sa subject
    2.Walang pera
    3.Hindi interesado sa tinuturo ng teacher
    4.Nahahaling sa computer shop
    5.Nababarkada sa mga di pumapasok sa paaralan
    6.Nagrerebelde sa magulang dahil broken family
    7.Kakulangan ng pasilidad ng paaralan at kagamitan sa paaralan
    8. Walnag ganang magaral
    9. Mas gusto nilang  unahin ang mga bagay na  nakakapagligaya sa kanila at  sa buhay nil at
   10. Kaya nawawalan sila ng panahon sa pag aaral

Miyerkules, Marso 28, 2012

Ang Pag-ibig ng Estudyante

I will never firget how Gerald courted me.. Second year high school kami noon. Nakipag-kaibigan muna siya sakin dahil magkaibang section kasi kami. Binubuntot-buntutan nya ko kahit san ako magpunta at lagi nya ko kinekwentuhan tungkol sa sarili nya. Kapag recess, hindi rin sya nahihiyang lumapit sakin at friends ko at mag-alok ng kung anu-anong pahkain, pero dahil mahilig mangantyaw ang mga kaibigan ko ay pati sila ay nalilibre ng snacks. Kapag naman uwian, nakasunod rin sya sakin hanggang sa isang araw ay pumayag na rin akong magpahit sa kanya sa bahay. Isang araw, nag-propose na sya sakin, and after a couple of weeks ay sinagot ko na rin sya.
Tulad ng ibang bagong mag-partner sweet kami sa umpisa. Pero after a months, baglang nagbago si Gerald sakin. Halos ayaw na nya ko makasama sa loob ng school, hindi na rin nya ko hinahatid sa bahay namin. Isang araw, napag pasyahan ko ng kausapin sya, at makipag-hiwalay sa kanya. Nagulat ako ng sabihin nya ang mga salitang ito, "Ikaw na lang ang hinihintay kong sumuko dahil hindi na klita mahal." Sobrang nasaktan ako dahil sa sinabi nya. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa sobrang sakit ng ginawa nya. After a yeras ngayon ay 4th year na ako at kaya koat randam ko pa rin ang sakit na dinulot nya sakin pero kaya ko ng ngumiti ng hindi dahil sa kanya.

Ang Paboritong Linya ng Mag-aaral

Ang hirap ng intindihin ng mga estudyante ngayon. Pano ba naman pag sinabi na ng teacher, uulitin pa ulit. Hindi ba sila nakakaintindi o sadyang nambubwisit lang. Ito ang ilang halimbawa ng linya ng mga estudyante:

T: Class,may exam kayo next week.
E: Maam next week po?

T: Bilugan nyo ang tamang sagot.
E: Maam bibilugan po??

Nakakaasar diba? Pano kaya yung prof mo na yan kung ganyan lagi ang maririnig mo? Marami pa, hindi lang yan. halimbawa na lang pag magpapaliwanag yung prof mo kung amo ang gagawin mo sa exam pero ikaw hindi  ka nakikinig kaya pag sinabi nya ay uulitin mo na naman. Hay buhay nga naman.

ang mabuting mag aaral

  Ang mabuting mag aaral ay nagsisimula sa pagiging mabuting anak sa iyong magulang mabuting tagapayo sa iyong mga kaibigan, mabuting mamamayanan sa lipunan at maging mabuting tao sa mata ng diyos na maykapal. Kaya't ating pagyamin  ang pagiging maganda at modelong mag aaral sa ating paaralan barangay at sa loob ng ating tahanan at kahit di gaano kataas ang grade mo pwede ka pa rin maging isang mabuting mag aaral at modelo sa inyong barangay.

 . Ang mabuting mag aaral ay dapat marunong gumalang sa guro, respeto sa kapwa mag aaral, sumunod sa utos at payo ng magulang at sumunod sa patakaran ng paaralan at di lang sa paaralan pati na rin sa silid aralan. Dapat ay makapasa ng requirements sa tamang oras at panahon at sundin ang lahat  ng pinapagawa ng guro.

  Eto ang ginagawa ng mabutinh mag aaral sa paaralan : 

1. Pumasok sa tamang oras
2. Gumawa ng takdang aralin sa bahay
3. Hindi dumadaldal
4. Hndi nangongopya sa test at quiz
5. Nagbabasa ng libro
6. Nagpapasa ng project sa tamang deadline
7. Hindi ng nagcucutting sa lahat ng subject
8. Binabasa ang lahat ng natalakay  na topic
9. Nakikinig sa  discussion g teacher
10. Sumasagot kapag alam ang sagot sa discussion
11. Hindi nagcuccutting sa lahat ng subject

        Dapat kung mabuti kayong mag aaral iyan dapat ang gagawin nyo sa paaralan nyo.Ang buhay ng estudyante sa paaralan ay masya, malungkot, kaba at iba't ibang ba pang emosyon ng mabuting mag aaral  mahirap man maging mabuting mag aaral kailangan kayanin ng isang estudyante ang mga pagsubok sa paaralan dahil nag aaral ka para sa iyong kinabukasan. Dahil eto lang naman ang maiipapana ng ating magulang ang mabuting mag aaral at makatapos ng pag aaral  

Martes, Marso 27, 2012

mahilig sa rush

bakit nga ba ang mga estudyante mahilig sa rush o madaliang gawain? sa totoo lang nakakapagod ang pagawa ng rush na bagay pero ayos lang ginusto namin to ehh. ito ang halimbawa ng rush na gawain...


*deadline ng pag pass ng project(ngayong araw lang din gagawin)
          -gusto sumasakit ang ulo 
          - mag mukhang haggard.
*laging na huhuli ng gising (malalate nasa klase)
          - kaya minsan yung iba dina naliligo (ano kaya amoy?)
          - nakakalimutang  magtoothbrush (yuck)
          -at yung iba mukhang nanaginip pa eh
          - nahihilo dahil dina nakakain
* tamad gumawa ng assignment kaya kokopya nalang
          - nag mamadaling pumasok makakopya lng
          - pagkopya mali pala ang nakopyahan
          - nahuli ng teacher na zero
*exam bukas inuna pa ang gala
          - sa jeep nag rereview (sakit sa ulo malikot ang jeep)
          - pag dating exam agad walang na review
          - di mapakale walang makopyahan.




                     ayan ang resulta ng mga mahilig sa rush na gawain. madalas nangyayari ito kapag finals na.
dahilan ng mga estudyante kung bakit hindi agad nagagawa ang kailangang gawin. 
-sabay-sabay ang gawain hindi tuloy alam ang uunahin
-laging puyat sa mga ibang bagay
- masarap daw kasing mag gala nakaka sira lang daw sa paggagala ang ganyang bagay (hahaha sira)
- masyado na raw puno ang utak nila di na nila mareach (baka check operator na)
- may personal na problema hindi makapag focus (hmmmpf? love life lng yan)


                   haaiii dahilan nga naman oh.. may madahilan lan!. sana mabago na ang gantong problema. kaya nga nag aaral eh para gawin yan hindi kung anu-ano ang inuuna.. by the way ang inpirasyon ko sa paggawa ng bagong entry ay yung paggawa namin ng report sa nstp rush din yun hahaha.(gawain din pala) at pati ang blog na ito rush din. hehe. wag tularan ang paggawa ng rush mahirap!

Lunes, Marso 26, 2012

Pasaway dito, Pasaway dun.

Mga estudyanteng pasaway, kaibigang epal, at mga prof na mahirap intindihin minsan.. Ano mangyayari kapag nagsama-sama sila?

Pasaway. Tawag sa taong alam ang dapat gawin pero dine-deadma ang tama.
Ang mga estudyante yata ang hindi papatalo sa pagiging pasaway.
Imagine binabaliktad ang dapat.
Ang group project na dapat ay sama-samang ginagawa ng leader at members ay sinasariling gawin ng leader, dahil patamaran ang grupo pag ganitong usapin. Hindi pwedeng deadmahin ni leader dahil nga leader sya, at damay-damay ito sa grade.
Samantalang ang bawat activities, quiz, at exam na dapat ginagawa ng individually ay siya pang ginagawang group work!

Sa pasok na dapat inaagahan ay pinababayaan ang pagiging late, samantalang kapag uwian na ay kinukulit na si prof para mag-pauwi ng maaga.

Sa galaan, pagbababad sa internet, at pagtetext inuubos ang oras.
Samantalang ang homework na dapat ay ginagawa sa bahay ay gagawin sa eskwelahan, 30minutes bago dumating ang teacher.

Mga projects na binibigyan ng mahabang panahon para magawa ay ginagawa sa araw bago ang pasahan.
Pero kasama yata talaga yan sa pagiging estudyante, mas ginugustong gumawa ng rush.

Ang mga professor naman natin ay mahirap intindihin kung minsan...
Katulad dati, habang nagka-klase kami ay nahuli ng aming prof ang kaklase ko na kumakain, at tinanong nang ganito, "Bakit ka kumakain habang nagka-klase? Mamamatay ka ba kung hindi ka kakain?!"
Aba syempre naman ma'am diba. Ikaw kaya ang hindi kumain. Haha.

May ibang prof naman na sobrang strikto, yun bang di ka pedeng ma-late sa subject mong pang-7AM dahil iaabsent ka.

At marami pang iba..
Kung tinamaan at naka-relate ka, ikaw nga ay isa sa mga pasaway. :)


Linggo, Marso 25, 2012

Diskarteng Mag-aaral

Pag ikaw ay isang estudyante, siguradong mararanasan mo ang lahat. Saya, lungkot, kaba, kilig, takot, excitement, stress at marami pa.. Kanya kanyang diskarte lang yan ng pag-handle ng buhay estudyante eh. Halimbawa na lang..

Saya:
May mga estudyanteng umaabuso kapag mabait sila prof.
Naaalala ko pa nung minsan, habang gumagawa kami ng activity sa isang subject, at nasa likod ko ang mga kaibigan ko, at dahil nga mabait si prof e sige kwentuhan sila. Hangang sa maya maya ay napalakas ang kanilang tawanan.. Narinig ni prof at ang sabi, "Lahat ng kaartehan nandito ha!"
Pero wag ka, dahil  ang mukha nya ay ganito ang itsura, :)
O Diba, san ka pa.

Kaba:
Syempre, sino ba naman ang hindi nakaranas ng kaba?
Lalo na kung may exam at hinda ka nakapag-review dahil inuna mong panuorin ang sinusubaybayan mong telenovela at napuyat sa katext mong inu-uto ka lang naman.
Kapag may recitation at hindi ka nakinig dahil sa palagay mo ay nakakaantok magturo ang prof mo.
Kapag may practical test sa PE at hindi mo feel laruin ang sport.
At kapag makikita mong dadaan si crush, Ay! Hinda pala dapat ito kasama. Haha.

Stress:
Kapag nagkasabay-sabay ang mga gawain at hindi mo alam ang uunahin
Kapag nakakuha ka ng mababa sa exam, lalo na sa math, nag effort ka pa man din mag solve. hindi ba nakaka-stress naman talaga yun?

Kilig:
Aba naman, pagdating kay crush, parang telescope ang mata Nasa malayo pa lang e nakikita na. Samantalang kapag kokopya ng notes ay sasabihing hindi matanaw.
Kapag nadaan sa harap. deadma. Kapag nakalagpas na si crush, hala sige, ihambalos sa pader ang katabi mo.
Sa dami ng gawain ng isang estudyante, nako. hindi pedeng mawala ang oras para kiligin.

Papatalo ba naman ang Magto-tropa sa classroom?
Aba'y sa kwentuhan lang. Hindi ka pa nga tapos magkwento may tatawa na. Ganyan talaga mga magkaka-uri, nagkakaintindihan. Parang ganto..
Friend1: Naaalala ko yung dati. Diba si ano! HAHAHAHAHA!
Friend2: Ou nga. HAHAHAHA!
Friend3,4&5; HAHAHAHAAHAHAH!

Yung pagkain ng isa, pagkain ng lahat.
Batok dito. kurot dun.
Tampuhan at kulitan.
Inis dito, tukso dun.


At sobrang dami pa.
Buhay estudyante nga naman..
Mahirap pero enjoy.
Pero nakakatuwa at napakasarap maging isang estudyante
Nasa nagdadala kang yan, kanya-kanyang diskarte para mahanap ang kaligayahan sa kabila ng problema. :)